Wednesday, July 8, 2009

Isang Mundo, Isang Awit - Leah Navarro


Ngayon mundo'y gulunggulo
At lahat tayo'y litunglito
Pagibig sa kapwa tao
Sa daigdig dapat ituro
Kung bawa't puso mayroong pagmamahal
Kapayapaa't kasiyahan tiyak na makakamtan

Lahat tayo'y pantaypantay
Sa biyaya ng Maykapal
Lahat sana'y akbayakbay
Handang tumulong kanino man
Kung bawat tao ay marunong magmahal
Ano mang kulay o salita
Tiyak na makikiisa

Je t'aime te amo I love you
Watashi wa anata o aistomasu
Ich liebe dich iniibig kita
Gua ay di
Paano man sabihin
Ang mundo'y turuan natin
Tanging lunas ang pagibig
Isang mundo isang awit

Isang sigaw Pagibig.

0 Responses to “Isang Mundo, Isang Awit - Leah Navarro”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint