Monday, July 13, 2009

Nakapagtataka - Hajji Alejandro


Walang tigil ang gulo
Sa aking pagiisip
Mula nang tayo'y nagpas'yang maghiwalay;
Nagpaalam pagka't hindi tayo bagay
Nakapagtataka (hoh hoh)

Kung bakit ganito
Ang aking kapalaran;
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam
At bawat paalam ay puno nang iyakan?
Nakapagtataka nakapagtataka

Hindi ka ba napapagod
O di kaya nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan(oh?)

Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman (hoh)
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan? (oh hoh hoh)

Walang tigil ang ulan
At nasaan ka araw?
Napano na'ng pagibig sa isa't isa?
Wala na bang nananatiling pagasa?
Nakapagtataka saan na napunta?

Hindi ka ba napapagod
O di kaya nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan(oh?)

Hindi ka ba napapagod
O di kaya nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan(oh?)

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh hoh ho hoo?
Hmmm...

0 Responses to “Nakapagtataka - Hajji Alejandro”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint