Thursday, August 6, 2009

ang huling el bimbo - Eraserheads


INTRO


Kamukha mo si Paraluman
No'ng tayo ay bata pa
At ang galinggaling mong sumayaw
MapaBoogie man o Chacha

Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak nakakaaliw
Nakakatindig balahibo


REFRAIN 1
Pagkagaling sa 'skwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako


CHORUS
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay


Naninigas aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng 'yong mga mata

Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahandahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso hooh


REFRAIN 2
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo hoh
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko


Repeat CHORUS


La la la la la la la la la la la


Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa

Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita hah


REFRAIN 3
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw


Repeat CHORUS twice


CODA
La la la la la la la la la la la 2x

0 Responses to “ang huling el bimbo - Eraserheads”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint