Thursday, August 6, 2009

hinahanap ng puso - Gloc 9


Pasensya na aking mahal
'Di naman ako magtatagal
Nais ko lamang marinig mo ang bawat nilalaman
Ng puso kong ito
Inaalay ko sa 'yo
Dinggin mo sana mga sinasabi ng awitin ko


Pilitin mang ibaling
At sa iba'y isalin
Ay 'di malimot ang halimuyak na hatid ng hangin
Nung una kang makita
Hindi makapaniwala
Parang panaginip at langit aking nadarama


REFRAIN
Nais kong malaman mong ikaw ay aking iniibig
Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
At magkalapit agwat ng ating daigdig


CHORUS
Hinahanap ng puso ang pagibig mo (makinig ka sana sa 'kin)
'Di ko malilimutan ang pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)
At kung sakasakali na kaya mo pang ibalik (sige na 'wag ka nang magalinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo


Ngunit ngayon alam ko na
Sadyang magkaiba
Ano nga naman ang 'di mo pwedeng makita sa kanya
Merong magarang kotse
Wallet na dobledoble
'Di tulad ko na 'di man lang makapanood ng sine


Sana'y malaman mo
Na mawala man ako
Ay may pagibig na laging gumagabay sa 'yo
'Di ka pababayaan
Laging aalagaan
Hanggang sa dulo ay tunay aking naramdaman


Repeat REFRAIN
Repeat CHORUS thrice


Hoh hoo

0 Responses to “hinahanap ng puso - Gloc 9”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint