Friday, August 7, 2009

pagsubok - orient pearl


Isip mo'y litunglito
Sa mga panahong nais mong maaliw
Bakit ba ang bumabalakid
Ay 'yong mundong ginagalawan


Ang buhay ay sadyang ganiyan
Sulirani'y 'di mapigilan
Itanim mo lang sa iyong pusong
Kaya mo 'yan


CHORUS
Pagkabigo't alinlangang gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
'Wag mong itigil ang laban
'Wag mong isuko at iyong labanan


'Wag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na s'yang lumikha


Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan


Repeat CHORUS


AD LIB


Repeat 4th Stanza
Repeat CHORUS except last line


Oh la la la la la la la yeah yeah
'Wag mong isuko ('wag mong isuko) at iyong labanan
'Wag mong isuko (at iyong labanan) at iyong labanan


CODA
Pagkabigo't alinlangang gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
'Wag mong isuko ang laban

0 Responses to “pagsubok - orient pearl”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint