Monday, September 14, 2009

Lagi - Gobylum


Noon pa man ay nagsasama na
At ang ngiti mo ay parang pelikula
Humahaba sa twing kasama ka
Ako ay nahuhulog ng lubos na

Narimarim sa bawat sandaling kasama ka
Di ko malaman kung nais bang magalit o matuwa
Pinapairal na naman ang katangahan
Walang pagasa alam ko naman

*lagi na lang bang kailangang masaktan?
Lagi na lang bang kailangang umasang hindi kailanman
Lagi bang kailangang umiyak sa kadiliman
Hanggang kailan matatapos ang laging walang hanggan

Di ko masabi na nasasaktan ako
Pagkat alam na kakaunti ang karapatan sa iyo
Walang ibang pumapasok sa isip kundi ikaw
Hindi ko lang masabi at sayo'y malinaw

Di ko mahanap ang solusyon sa iyo
Lahat naman ng bagay sayo lang ako nabobo
Palagi bang kailangan kong itago
Dahil alam ko sa huli ako'y mabibigo*

Coda:
O nahihirapan din ako
O namamatay na ako
Iniisip kung bakit laging ganito
Mahal lang kita...
Yun na ang totoo!

0 Responses to “Lagi - Gobylum”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint