Thursday, November 26, 2009

Alumni - Parokya


Napatunganga nung bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon.
Highschool pa tayo nung una kang nakilala
At tandang tanda ko pa
Noon pa may sobrang lupit mo na!
Di ko lang alam kung pano
Basta biglang nagsama tayo.
Di nagtagal ay napaibig mo na ako.

Mula umaga hanggang uwian natin
Laging magkasama tayong dalawa
Parang kahapon lang nangyari sakin ang lahat
Tila isang dula na medyo romantiko ang banat!
Ngunit nang mapagusapan
Bigla na lang nagkahiyaan
Mula noon hindi na tayo nagpansinan!

(chorus)
Bakit ko ba pinabayaan
Mawala ng di inaasahan.
Parang nasayang lang
Nawala na wala nang nagawa

Panay ang plano ngunit panay ang urong.
At inabot na tayo ng dulo ng taon!
Graduation natin nung biglang nagabsent ang partner ko.
Tadhana nga naman!
Naging magpartner tayo!
Eksakto na ang timing!
Planado na ang sasabihin!
Ngunit hanggang sa huli wala akong nasabi!

(chorus)

Napatunganga nung bigla kitan nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon.
Sobrang alam ko na ang aking sasabihihin
At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sakin!
At nang ikaw ay nilapitan
Bigla na lang napaligiran ng iyong mga anak
Mula sa pangit mong asawa!

(chorus2x)

0 Responses to “Alumni - Parokya”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint