Friday, November 6, 2009

Tag-ulan - After Image


Tagulan
After image

Minsan ika'y nagiisa walang makasama
Di malaman sa'n tutungo naghahanap nagiisip
Kung sa'n babaling dito sa mundong mapaglaro
At tuwing ika'y nalulumbay di makakita

Nais mo ay may makasama
Sa yong lungkot akala
Mo ika'y nagiisa narito ako't kapiling ka
Kung nais mo ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita
Kapag umuulan bumubuhos ang langit

Sa yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha
Ngunit di ka magiisa kaibigan
Kay rami ng mga tanong sa yong isipan

Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagkaganoon ang nangyari sa yong buhay
Tanong mo man sa ki'y di ko alam
Handa akong maging tanggulan

Sa tuwing sasapit sa yo ang tag_ulan oh
Kapag umuulan bumubuhos ang langit
Sa yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha

Ngunit di ka magiisa
Ako'y naririto naghihintay lamang
Sa yo tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo
Kaibigan kaibigan kaibigan
Kapag umuulan bumubuhos ang langit

Sa yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha
Ngunit di ka magiisa kaibigan
Kaibigan kaibigan

0 Responses to “Tag-ulan - After Image”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint