Sunday, December 13, 2009

Ang Pasko Ay Sumapit - V. Rubi


Ang pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang diyos ay pagibig
Nang si kristo ay isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa
Ay nagsipaghandog ng tanging alay

Bagong taon ay magbagongbuhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo'y mangagsiawit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi pasko ay magbigayan

0 Responses to “Ang Pasko Ay Sumapit - V. Rubi”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint