Wednesday, December 16, 2009

Balang Araw - Siakol


Mukhang hindi mo s'ya nalilimutan
Tila dala mo pa
Bunga ng kanyang paglisan
At makikita sa mata
Ang pagkawala ng sigla


Mukhang pinipilit mo lang ang ngumiti
Na 'di naman nababakas sa 'yong labi
At di ko na napupuna
Ang binibitawan mong tawa


Hayaan mo na lang ang pagpatak ng luha
Tulad ng ulan na dulot sa 'tin ay baha ha ha
At balang araw ay makikita mo hohhoh
Sa pagtila nito ay may pagasa pa
Na naghihintay sayo


Mukhang nakakulong ka na sa alaala
Palayain mo't ibuhos ang nadarama
At pagkatapos ng lahat
Wala na sa dibdib mo ang bigat


Naghihintay sa'yo
Hayaan mo na lang
Tulad ng ulan
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pagasa pa
Na naghihintay sa 'yo
Naghihintay sa 'yo...balang araw

0 Responses to “Balang Araw - Siakol”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint