Tuesday, December 1, 2009
Biyahe Tayo - Various Opm Artist
Do you like this story?
Ikaw ba'y nalulungkot
Naiinip nababagot?
Ikaw ba'y napapagod
Araw gabi'y puro kayod?
Buhay mo ba'y walang saysay
Walang sigla walang kulay?
Bawa't araw ba'y pareho
Parang walang pagbabago?
Tara na biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para magenjoy nang todo.
Halika biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng pilipinas
Ang galing ng pilipino.
Napasyal ka na ba
Sa intramuros at luneta
Palawan vigan at batanes
Subic baguio at rice terraces?
Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng zamboanga
Bulkang taal bulkang mayon
Beach ng boracay at la union?
Tara na biyahe tayo
Mula basco hanggang jolo
Nang makilala ng husto
Ang ating kapwapilipino.
Halika biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng pilipinas
Ang galing ng pilipino.
From city to city
Seven thousand and a hundred plus islas
Sa mahal kong pilipinas
Luzon visayas mindanao ating puntahan.
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!
Nasubukan mo na bang
Magrapids sa pagsanjan
Magdiving sa anilao
Magsurfing sa siargao?
Natikman mo na ba
Ang sisig ng pampanga
Duriang davao bangus dagupan
Bicol express at lechong balayan?
Tara na biyahe tayo
Nang makatulong kahit pano
Sa pagunlad ng kabuhayan
Ng ating mga kababayan.
Halika biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng pilipinas
Ang galing ng pilipino.
Nakisaya ka na ba
Sa pahiyas at masskara
Moriones at atiatihan
Sinulog at kadayawan?
Namiesta ka na ba
Sa peafrancia sa naga
Umakyat sa antipolo
Nagsayaw sa obando?
Tara na biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran kapayapaan.
Halika biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng pilipinas
Ang galing ng pilipino.
Tara na biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran kapayapaan.
Halika biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng pilipinas
Ang galing ng pilipino.
Halika biyahe tayo...
Wow philippines...

This post was written by: Franklin Manuel
Franklin Manuel is a professional blogger, web designer and front end web developer. Follow him on Twitter

0 Responses to “Biyahe Tayo - Various Opm Artist”
Post a Comment