Saturday, December 26, 2009

Dati - Toasted Dilis


Alam mo hindi parin ako makapaniwala.....
Dati kase para tayong langit at lupa
Malayo ang agwat sa isat isa
Mag kaibang mundo ang pinagkukunan ng tuwa

Habang akoy nalilibang sa tunog ng gitara
Ikaw namay umiindak habang sumasayaw sa saya
Ganyan tayo non nung di pa tayo masyadong magkakilala
At sinong bang nakapag sabing.....magiging tayo pala
Di ko akalain magkakatotoo ang aking mga imahinasyon
Nang makilala kita buhay koy nag iba ng direksyon

Noon di ko pa sayo kayang aminin
Dahil nahihiya ako sa aking gagawin
Pero nakakuha ako ng tyempo para sayoy sabihin
At maipag tapat ang tunay kong mithiin

Ngayon gusto ko ikaw ay laging nasa paningin ko
Hindi kase alam ang gagawin kapag nawala sa piling mo
At dahil hindi ko rin alam kung paano tatapusin to
Ito na lang masasabi ko sayo.....mamahalin kita na higit pa sa buhay ko!!!!!

0 Responses to “Dati - Toasted Dilis”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint