Tuesday, December 29, 2009

Karaniwang Tao - Joey Ayala


Ako po'y karaniwang tao lamang
Kayodkabayo 'yan ang alam
Karaniwang hanapbuhay
Karaniwan ang problema
Pagkain damit at tirahan


'di ko kabisado 'yang siyensiya
Ako'y nalilito sa maraming salita
Alam ko lang na itong planeta'y
Walang kapalit at dapat ingatan
Kapag nasira sino ang kawawa?


Chorus
Karaniwang tao saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo?
Karaniwang tao anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan?

Karaniwang bagay ay 'di pansin
Kapag naipon ay nagiging suliranin
Kaunting basura ngayo'y bundok
Kotseng gabok ay umuusok
Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog

May lason na galing sa industriya
Ibinubuga ng mga pabrika
Ngunit 'di lamang higante
Ang nagkakalat ng dumi
May kinalaman din ang tulad natin


repeat chorus twice

Karaniwang tao 4x

repeat chorus

Karaniwang tao
repeat till fade

0 Responses to “Karaniwang Tao - Joey Ayala”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint