Friday, December 11, 2009

Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma - Rocksteddy


Matagal ko ng gustong malaman mo
Matagal ko ng itinatagotago 'to
Nahihiyang magsalita
At umuurong aking dila
Pwede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin 'to

Dahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita kahit 'di mo lang alam ohwoh..

Matagal ko ng gustong sabihin 'to
Matagal ko ng gustong aminin sa'yo
Sandali eto na
At sasabihin ko na
Ngayon na mamaya
O baka pwedeng bukas na

Dahil kumukuha lang ng buwelo
Upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero 'di mo lang alam ohwoh..

Ngunit kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero hindi mo lang alam
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sa akin
Kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sa'yo sasabihin
Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita wala!
Pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga masabi sa'yo ng harapan
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan hindi rin kita titignan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman
Lagi rin kitang pakikiramdaman
At arawaraw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalaman na
Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan
Kasi alam kong dun din naman ang tuloy nyan
At dalawa rin lang naman ang posibleng sagot dyan oo o hinde
Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magkatsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita kahit lagi mo na lang akong dinededma

0 Responses to “Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma - Rocksteddy”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint