Sunday, December 13, 2009

Lagi Mo Nalang Ako Dinidedma - Rocksteddy


Matagal ko nang gustong malaman mo
Matagal ko nang tinatagotago to
Nahihiyang masdan ka at umuurong ang aking dila
Pwede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin to
Dahil kumukuha lang ng tyempo
Upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero di mo lang alam
Mahal kita pero di mo lang ramdam
Mahal kita kahit di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero di mo lang alam
Ooh? wooh?

Matagal ko nang gustong sabihin to
Matagal ko nang gustong aminin sa iyo
Sandali heto na at sasabihin ko na
Ngayon na mamaya o baka pwede bukas na
Dahil kumukuha lang ng bwelo
Upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero di mo lang alam
Mahal kita pero di mo lang ramdam
Mahal kita kahit di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero di mo lang alam
Ooh? wooh?

Dahil kumukuha lang ng tyempo
Upang sabihin sa iyo
Ooh? wooh?

Mahal kita pero di mo lang alam
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sakin kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sayo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw

Mahal kita pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita wala

Pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga masabi sayo ng harapan
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan di rin kita titignan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan

Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalamanan na
Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan
Kasi alam kong doon din naman ang tuloy nyan
At dalawa din lang naman ang posibleng sagot dyan oo o hindi

Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magkatsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

Mahal kita pero di mo lang alam
Mahal kita pero di mo lang ramdam
Mahal kita kahit di mo na ako tinitignan
Mahal kita kahit lagi mo na lang akong dinededma

0 Responses to “Lagi Mo Nalang Ako Dinidedma - Rocksteddy”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint