Friday, December 11, 2009

The Last Supper - Mistula


Tanggapin mo'ng lahat ng ito at kanin

Para sa iyo aking hita
Talampakan kong tadtad ng kalyo
Sa maghapong paglalako
Ng ihahanda sa mesa ng di' kapos
Sa atin sobrasobra heto 'ng mga daliri ko
Pawisan pa't nirarayuma isubo mo.
Papakin ang balikat.
Mga braso'ng pumasa sa'yo.

Heto ang kalis ng aking dugo 'ng
Papawi sa uhaw ng lalamunang tuyo.

Chorus:
Tanging hiling ng isan ina
Ihain ang sarili nya.
(mapalad ang tinatawag sa kanyang piging.)
Mula ulo hanggang paa tikman ang pagibig niya.

Gawin mo'ng ito bilang pagalala sa akin.

Ngayo'ng gabi ipagbunyi natin
Busog kang mahihimbing.
Ihanda na ang mga plato't pinggan
Ang mga baso huwag kalilimutan.

Maghugas ng kamay nandyan lang ang tabo
Heto ako iyong bimpo gamitin mo.
Kay daming ulam...o dahandahan
Wag kang magalala di ka mauubusan.

0 Responses to “The Last Supper - Mistula”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint