Friday, December 18, 2009

Mulat - Mistula


Mulat words:lugosimusic:minuetwww.mistula.com

Tuwing magtatagpo ang mga palad ko
Habang nakatungot tinitingala ka
Mula sa tiis ng pagkakaluhod
Tuwing pumipikit ako
Lu mi liwanag ang lahat
Na ginagampanan kong nararapat
At tiyak may naghihintay na
Basbas at aleluya.
Dahil ni minsan di nagatim na lumihis

Sa itinakda.

Tuwing pumipikit ako lumilinaw ang lahat
Kung bakit di katulad ng ibang taksil
N a p a n u p i l
Di mo sila hinayaang maghari sa
Di karapatdapat kong katawang pinagod
Ng walang katapusang prusisyong

A m a namin
At

Amen.

Masusi silang pinapanood at napapapikit ako:
Mahigpit hanggang mapaluha sa galak
Dahil di mo ako hinayaang
Maging katulad nila.
Akoy umaawit ng kagalakan.

Pag sarado ang mata
Kay daming nakikita.

Tuwing pumipikit ako nagkakaroon ng saysay
Ang lahat ng pasakit: ginawa sa ngalan mo.
Kayat napapawi ang takot at pangamba.
Dahil alam ko ako lang
Ang nararapat
Sa iyong tabi.

0 Responses to “Mulat - Mistula”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint