Tuesday, December 22, 2009

Robot Ka Ba? - Aizo


Naglalakad ka sa kalye nababasa ng ulan
Feeling mo kakalawangin ka eh hindi naman!

Umiinom ka ng gatasna may kahalong gas
Naglalaklak ka ng langis lumalabas na pawis
Ang 'yong mata namumula sa galit
Ang 'yong katawa'y namimilipit
Bakit mo ba ako pinipilit
Kung ako'y alimango ika'y aking sinipit
Buhay mo'y walang kakulaykulay
Hinde ka ba nagsasawa't nauumay
Kulang na lang tubuan ka ng sungay
Tumigil ka na nga't umuwi na lang sa bahay
Sumasayaw ka ng magisa
Lalo ka lang nagmumukhang tanga
Kasingtigas ng bakal ang ulo mo
Hoy gago! robot ka ba?

(chorus)
Robot ka ba? robot ka ba?
Robot ka ba? robot ka ba?
Robot ka ba? robot ka ba?
Robot ba kayo? robot ba kayo?
Robot ka ba? robot ka ba?
Robot ka ba? robot ka ba?
Robot ka ba? robot ka ba?
Ako hinde...

Bawat yapak mo sa lupa nabibiyak ang daan
Feeling mo anggaangaan mo eh hindi naman!

Magdamag nakaharap sa pc magdamag ka ring nagyoyosi
Magdamag ka ring nagkakape pati ipis ay iyong kinakarate!
Bakit ba ang hilig mong magsingitsingit
Bakit gusto mo laging paulitulit
Hindi ka naman sour hindi ka naman sweet
Tumigil ka na nga't wag kang makulit
Arawaraw ka na lang kumakanta
Ibang diyos ang iyong sinasamba
Gabigabi iba't ibang sumasampa
Kung alam mo lang hindi sila sumasaya
Hindi mo ba alam na wala kang kwenta
Ba't 'di ka na lang mangholdap sa philcoa
Tumbling ka nang tumbling sa may buhangin
Robot ka ba?

Repeat chorus

Pumunta ka sa laot ikaw ang nagsasagwan
Feeling mo marunong ka eh hindi naman!

Ang kwentong ito'y tungkol sa isang tao
Na walang kinikilala kahit na sino
Ipis kabayo baboy o tsonggo
Hindi patatawarin kahit pa pabo
Nakasuot siya ng salamin kung saansaan tumitingin
'tinuring na iskolar pa mandin
Ngunit hanggang sampu lang ang kayang bilangin!
Hindi kami rappers hindi kami boyband!
Kami lang po ay nagkakantahan
Kung kayo po ay naiingayan pwede bang umalis na lamang!
Kung naiinis na po kayo pwede bang umalis na lamang dito
Anong pakialam ko ewan ko sa inyo
Robot ba kayo!

Repeat chorus

0 Responses to “Robot Ka Ba? - Aizo”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint