Sunday, January 31, 2010

Handog Ng Pilipino Sa Mundo - Alamid


Di na 'ko papayag mawala ka muli.
'Di na 'ko papayag na muli mabawi
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
'Di na papayagang mabawi muli.

Magkakapitbisig libolibong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Samasama iisa ang adhikain.
Kelan man 'di na paalipin.

Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan kalayaan katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat.

Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapitbisig madre pari at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.

Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)

Coda:
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan kalayaan katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat!

0 Responses to “Handog Ng Pilipino Sa Mundo - Alamid”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint