Saturday, January 9, 2010

"pillow" - Maryzark


Isang umaga pang
Hindi nadadala
Hiningal na sa paghabol ng pagikot mo
Walang sawa na ngang hindi nadadala
Naubos na ang pawis at ang laway ko

Mundo wala rin naman akong ginagawa sayo
Bakit biglang may nagbabago?
Bakit biglang may naglalaho?

Buti na lang ang managinip kaysa
Mainis sa kakaisip
Ayaw nang gumising muli...
Tinatamad na nga akong bumangon
Nakabaon sa kamang to maghapon
Mabuti pang matulog muli...

Isang umaga pang
Mumulat ang mata
Sa eksena ng pagikot ng mundo
Walang sawa na ngang nagaabang sa iyo
Sa gabing pangako mo

Mundo wala rin naman akong ginagawa sayo
Bakit biglang may magbabago...
Bakit biglang may maglalaho...

Buti na lang ang managinip kaysa
Mainis sa kakaisip
Ayaw nang gumising muli...
Tinatamad na nga akong bumangon
Nakabaon sa kamang to maghapon
Mabuti pang matulog muli...

0 Responses to “"pillow" - Maryzark”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint