Sunday, January 10, 2010

Sa Bingit Ng Isang Paalam - spongecola


Sa isang tingin ko lang
Agad ko nang napupuna
Sa likod ng yong ngiti
At kung paano ka tumitig sa kin

Tulad ng unang bituing
Iyong matatanaw
Sa nagaambang dilim
Buong ningning pa rin kahit makain

Kinakailangan nga bang magtuos?
Wala tayong dapat simulan
Akoy kaharap mot nandito ngayon
Sabihin kung naguguluhan

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?
Sa isang saglit lahat malilipol
di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nagiisa

Pasensya nat akoy muling nauutal
Bumabagal ang pintig
Bumibigat laman ng aking dibdib

Hayaan mong hawakan ko
Ang yong kamay
Upang mapawi ang lamig
Ng init pang nararamdaman

Kailangan nating isiping lubos
Ano nga bang ating dahilan?
San nga ba tayo nakatuon?
Kay rami nang mga nagdaan

Kung meron lng aq ng pagkakataong
Sabihin sayo ang lahat

Mayamayay
di na rin magtatagal
Matatapos ang gabit
Ang nagdaay di na mananatili

Saan nga ba tayo nakatuon?
Ano nga bang ating dahilan?

0 Responses to “Sa Bingit Ng Isang Paalam - spongecola”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint