Thursday, January 28, 2010

Sa Katotohanan - gagong rapper


Chorus
Ayoko nang malaman pa na mayroon ka nang iba
Hayaan nang maging manhid itong isipan
'Di na inalam ang totoo baka masaktan lang ako
Hayaan nang maging bulag sa katotohanan

Baby 'di ko man matanggap na ako'y iyong lisanin
Nagbulaglagan kahit ako'y 'yong inalipin
Napakasakit na harapan ang katotohanan
Kahit harapharapan mo na akong pinagtaksilan

Isa bang mali na mahalin ang tulad mo
Sa puso't ko't damdamin 'di maalis sa isip ko
Okey na maging manhid sa puso mo na isang bato
Ako'y magtitiis kahit mahal mo'y 'di ako

Repeat chorus

Namulat ako sa pagmamahal ko sa 'yo
Pati mga magulang ko 'di pinakinggan para sa 'yo
Sa pagaakalang ikaw ang pagasa ko
Na magpapabago ng buhay at pagkatao

Lahat ng ego nilamon ko para sa 'yo
Para maramdaman mo ang pagmamahal ko
Kahit sa katotohanan na ako'y niloloko mo
Ako'y isang bulag na umiibig sa iyo

Repeat chorus

Nang makilala kita buhay ko'y nagkaroon kulay
Akala ko magtatagal at habangbuhay
Masakit ang iniwan mo na nagiisa
Lalong masakit nang pinagpalit mo sa iba

Ano ba ang nagawa kong kasalanan
Pagkatapos pahirapan biglang iiwanan
Sa katulad ko na nagbubulagbulagan
Ngayon ang puso ko luhaan at sugatan

Repeat chorus

Bakit ka nagiiba puso mo'y 'di na ko kilala
Biglabiglang nagbabalik pagdating mo sa akin ay naglaho
Tila ngayon ay kay lamig dati nagaalab na pagibig
Kay hirap tiisin pasakit mo sa 'king damdamin

Dinudurog mo palagi ang puso kong ito
Sa tuwing malalaman na kayo na ang magkasuyo
Dapat bang magparaya't magbulagbulagan
Sa tunay na pagibig mo na 'di ko na makakamtan

'Di kayang isipin 'di kayang tanggapin
Ngayong wala ka na sa aking paningin
Sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin
Paano ka mamahalin wala ka na sa aking piling

'Di ko lilimutin masasayang lumipas natin
Sa aking isipan ikaw pa rin ang iibigin
Alaala na lang ba do'n kita makakasama
'Di lubos ang ligaya ng pusong nagiisa

Repeat chorus twice fading on the last time

0 Responses to “Sa Katotohanan - gagong rapper”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint