Monday, January 4, 2010

Soap Opera - Itchyworms


Wala ka nang pera sa daliri
Di makanood ng sine
Wala na bang ibang magagawa
Wala na ring matatawagan
Nood na lang ng tv magisa
Ang sagwa naman ng mga soap opera
Parepareho lang ang storyline nila

Ang magulang di alam kung sino
Maging sila kaya sa dulo?
Ang tagapagsalba'y namamatay
Sisisihin na naman ang bida
Makakaaway ang querida
Ang kala mo patay mabubuhay
Nakatitig ako na para nang tuod
pagkat wala namang ibang mapanood

chorus
Sana ay pera na ko
At makikita nyo ang mga yan
Isaisa kong pabayaran
Upang pagbutihin nila (ang)
Paggawa ng programa
Nang matuwa ang mga walang magawa

Katulad nila na walang pera
Kung dati ay chicanong drama
Ngayon naman ay chinovela
Ang susunod ba'y iraqi opera?
Eto namang nakikiuso
Tauhan nga ay pilipino
Ang pamagat naman ay kastila
Wala na ba tayong ibang mararating?
Sa pangongopya lang tayo magaling

instrumental

bridge
Pera na lamang ba ang katapat mo?
Kung may nais marating eh di puntahan mo
Bakit ba takot na takot ka
Kung biglang magbabago
Kung may nais ka sabihin de sabihin mo
Kahit may bayad o wala

chorus
Sana ay pera na ko
At makikita nyo ang mga yan
Isaisa kong pabayaran
Upang pagbutihin nila (ang)
Paggawa ng programa
Nang matuwa ang mga walang magawa

0 Responses to “Soap Opera - Itchyworms”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint