Saturday, December 5, 2009

Anak - Freddie Aguilar


Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw.

At ang nanay at tatay mo
'di malaman ang gagawin.
Minamasdan pati pagtulog mo.

Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo.
At sa umaga nama'y kalong
Ka ng iyong amang tuwangtuwa sa iyo.

Ngayon nga'y malaki ka na
Nais mo'y maging malaya.
'di man sila payag
Walang magagawa.

Ikaw nga'y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo.
At ang payo nila'y
Sinuway mo.

Hindi mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa'y para sa iyo.
Pagka't ang nais mo masunod ang layaw mo
'di mo sila pinapansin.

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulon
Sa masamang bisyo.

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha.
At ang tanong
"anak ba't ka nagkaganyan?"

At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Ng 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo
Nalaman mong ika'y nagkamali.

0 Responses to “Anak - Freddie Aguilar”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint