Friday, December 18, 2009

Panadaliang Saya - Nabvgate17


Umiikot ang paningin
Parang lumulutang sa hangin.
Nakdarama ng sarap
Galing sa usok na nilalanghap.

Mabigat na puso'y gumaan
Mga problema'y nalimutan.
Nakadarama ng saya
Galing sa usok na nilalanghap.

Panandaliang nawala
Sa mundong masama.
Panandaliang sumaya
Ang pusong lunuluha.

Pero pagkalipas ng ilang oras
Balik sa dati ang lahat.
Panandalian lang pala
Ang saya sa marijuana.

Ngayo'y nalulung.
Ngayo'l nakulung
Sa panaginip na dala
Galling sa usok ng marijuana

Ngayo'y buhay ay nasira
Dahil sa panandaliang saya
Na dala ng marijuana

0 Responses to “Panadaliang Saya - Nabvgate17”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint