Friday, January 8, 2010

Bagong Araw - After Image


Mula nong simula
Iyong hinabol ang tala
Sa talas man ng paningin
Ito ay kusang nawala

Hinanap nang husto
Handang ikutin ang mundo
Tinahak ang bawat daan
Handang ibuhos ang dugo

Pagod na ngat may sugat ang yong puso
Ngunit patuloy pa rin itong pagikot ng mundo

chorus
Oh sa bawat oras na gumagalaw
Oh malayo na ang yong matatanaw
Oh sa yong mga tungkod ay bumitaw
At umakap sa liwanag nitong bagong araw

Bakas sa yong mukha
Ang mga guhit ng luha
Inukit na ng panahon
Nadarama hanggang ngayon

Tanging sa iyo
Nakasalalay nang husto
Ang bukas mong dumarating
Sadyang hindi mahihinto

Tapos na ang dilim ng yong kahapon
Buksan mo lang ang isip mo sa buhay mo ngayon

repeat chorus

bridge
Sundan mo lang ang puso mo
Kung san ka man dalhin hanapin mo ang totoo
Ang langit moy naghihintay sa yo

repeat chorus

(Oh sa bawat oras na gumagalaw) Nitong bagong araw
(Oh malayo na ang yong matatanaw) Nitong bagong araw
(Oh sa yong mga tungkod ay bumitaw) Sa yong bagong araw
(Oh sa bawat oras na gumagalaw)
(Oh malayo na ang yong matatanaw)
(Oh sa yong mga tungkod ay bumitaw)
(Oh sa bawat oras na gumagalaw)
(Oh malayo na ang yong matatanaw)
(Oh sa yong mga tungkod ay bumitaw)

0 Responses to “Bagong Araw - After Image”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint