Friday, January 8, 2010

Pagtawid - After Image


May isang araw na bago tayo pumanaw
Lahat ng ating pinangarap atin nang matatanaw
Hintayhintayin itoy maaabot na rin
Sa pagbubuhos ng lakas at paggugugol ng galing

Isulong ang mga likha
Ipunin ang mga salita
Sa pagsasakop ng dilim
Itoy maririnig pa rin

chorus
Isang araw isang kulay
Isang hangarin na tunay
Ipagbigkis mga kamay
Sa pagtawid nitong tulay

Di magtatagal at mumutawi ring lahat
Sa mga labi ang likas at katutubong salita
Tuunan ng pansin at liliwanag ang paningin
Sa mga kulay na ngayon ay bumabalot sa atin

Ibaling ang mga mata
Sa ulap at mga tala
Sa pagsasabog ng ningning
Itoy maaabot na rin

repeat chorus

repeat chorus

Ohh oh hoh 2x

repeat chorus

0 Responses to “Pagtawid - After Image”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint