Tuesday, December 29, 2009

Bata Ay Bukas - Ryan Cayabyab


Tuklasin mo ang pangarap
Ang pangako nitong bukas
Humakbang ka salubungin
Bagong araw na marilag
Ang panimdim at pagsubok
Harapin mong buong gilas
Tatagan ang puso't bisig
Ang bukas ay mamamalas
(chorus)

(chorus)
Pagkat bukas ay sa iyo
Magmamana nito'y ikaw
Ang darating hubugin mo
Pagkat bukas ay ikaw.

Bukas ay matutuklasan mo
Sa paglingon sa kahapon
Bawa't araw na nagdaan
Kalasag mo sa pagsulong
Bawa't dahong na ngalagas
May supling na lunting usbong
Kung ang puso mo ay wagas
Gintong bukas sasalubong
(chorus)

(bridge)
Ikaw ang bukas ay ikaw ang pamanay
Harapin mo ikaw ang pagasa'y ikaw
Ang bukas ay para sa 'yo
Para sa'yo bukas ay para sa yo.

Pagkat bukas ay sa iyo
Magmamana nito'y ikaw
Ang darating hubugin mo
Pagkat bukas ay ikaw
Pagkat bukas ay sa iyo
Magmamana nito'y ikaw
Ang darating hubugin mo
Pagkat bukas
Pagkat bukas ay__________
Ikaw_______________.

0 Responses to “Bata Ay Bukas - Ryan Cayabyab”

All Rights Reserved Kantahanan | Blogger Template by Bloggermint